-- Advertisements --
Nakapagsumite na ng aplikasyon para sa emergency use authorization (EUA) sa Food and Drug Administration (FDA) ang Bharat biotech ng India.
Sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., kanilang imo-monitor ang magiging takbo nito.
Ayon kay Sec. Galvez, ikokonsidera nila ang bakuna ng Bharat pero sa ngayon ay pag-aaralan pa ng vaccine expert panel ang kanilang aplikasyon.
Hinihintay din umano ng FDA na makapagsumite ang Bharat biotech ng data ng kanilang clinical trials.
Sa ngayon, tanging ang Pfizer pa lamang ang nakakuha na ng EUA mula sa FDA.
Pinag-aaralan naman ng vaccine expert panel ang aplikasyon para sa EUA ng iba pang vaccine manufacturers gaya ng Sinovac, AstraZeneca at Gamaleya.