CAUAYAN CITY-Sinimulan ng pamunuan ng Isabela State of Arts and Trade- Technical Educations Skills and Ddevelopment Authority (ISAT-TESDA) ang pagsasailalim sa mga barangay health worker at mga barangay nutrition scholar sa pagsasanay para sa contact tracing.
Sa nakuhang impormasiyon ng Bombo Radyo Cauayan, kaninang umaga nagsimula ang nasabing pagsasanay at batay sa talaan ng ISAT TESDA nasa mahigit 50 BHW at BNS ang dumalo na mula sa ilang barangay sa City Of Ilagan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cyn kay Superintendent Edwin Madarang ng ISAT TESDA sinbabi niya na katuwang ang mga lokal na pamahalaan at iba pang mga ahensiya ay magsasagawa umano ang kanilang tanggapan ng libreng pagsasanay sa bawat bayan na nasasakupan ng Distrito Uno, Dos at Singko na papangunahan ng kanilang mga trainor.
Ayon pa kay Superintendent Madarang, ang nasabing training ay gagawin sa limited face to face learning.
Matapos ang gagawing pagsasanay ng mga BHW at BNH ay magiging katuwang ang mga ito ng mga lokal na pamahalaan pangunahin na ng mga kasapi ng pulisya at health cluster sa pagsasagawa contact tracing sa mga posibleng nakasalamuha ng mga maitatalang positibo sa COVID-19.