Ipinaliwanag ng Bureau of Immigration (BI) ang pagsasagawa nila ng mahigpit ng screenings sa mga dumadating na dayuhan at biyahero sa bansa.
Sinabi ni BI spokesperson Dana Sandoval na nagiging mahigpit lamang ang kanilang immigration procedure sa mga bansang may naiulat na kaso ng trafficking ng mga manggagawang Pinoy.
Ilan aniya sa mga bansang tinutukoy nito na mayroong mahigpit nilang pagsasala ay yung mga galing sa Vietnam at Malaysia.
Mahigpit din ang kanilang ugnayan sa mga paliparan para matiyak na ang lahat ng mga entry at exit points ay nababantayan at mapaigting ang seguridad.
May ilang mga ahensiya na rin ang naposte sa iba’t-ibang entry at exit point ng bansa dahil hindi ito lamang aniya trabaho ng BI at sa halip at trabaho ito ng lahat ng ahensiy.