-- Advertisements --

Sinabi ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco na hindi pa opisyal na naipapaalam sa kanya ang pagkakatanggal sa kanya sa puwesto.

Nag-ugat ito nang diretsahang tanungin ni Senate Majority Leader Francis Tolentino kung pinalitan na ito sa pwesto.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Women and Children, sinabi ni Tansingco na sa pamamagitan lamang ng media ay nalaman niya ang tungkol sa dapat na desisyon na tanggalin siya sa kanyang posisyon.

Ngunit ng tanungin ulit ito ni Tolentino kung nabatid na sa kanya ang nilulutong pagsibak sa kanya, muling iginiit ni Tansingco na nalaman niya ang impormasyon sa pamamagitan ng media.

Isa ang BI sa mga ahensya ng gobyerno na binatikos matapos makaalis ng bansa si Alice Guo at ang kanyang kapatid noong unang bahagi ng Hulyo sa kabila ng warrant of arrest na inilabas ng Senado para sa pagtanggi nito sa imbestigasyon.