Ibinunyag ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang umano’y paggamit ng mga sindikato sa kanyang pangalan para makapanloko ng mga pribadong kumpanya.
Batay sa naging salaysay ng Immigration Commissioner, isa umanong scammer ang tumawag sa isang winning bidder ng mga medical supplies at nanghihingi ng mga donasyon.
Sa pagtawag ng salarin sa kumpanya ay humihingi umano ito ng P50,000 na donasyon sa Red Cross habang karagdagang P750,000 na ibibigay naman bilang donasyon sa mga batang may kapansanan.
Agad naman umanong nai-record ng may-ari ng kumpanya ang naging usapan nila ng caller at ipinadala ito sa tanggapan ni Tansingco.
Ayon sa opisyal, ginagaya ng caller ang kanyang boses at paraan ng pananalita.
Sa kaslaukuyan, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng BI sa naturang pangyayari, at walang pang inilalabas na impormasyon kung mayroon nang pinaghihinalaan.
Samantala, ang hindi na pinangalanang kumpanya ay ang nakakuha sa kontrata na magsupply ng mga medical equipment sa BI.
Ito ang nanalo sa bidding sa ilalim ng Philippine Government Electronic Procurement System (PhilGEPS) ngayong taon.