Ikinatuwa ng pamunuan ng Bureau of Immigration ang pag convict ng Estados Unidos sa isang Kenyan Terrorist na unang nang na deport mula sa Pilipinas.
Kinilala ang naturang terorista na si Kenyan national Cholo Abdi Abdullah.
Batay sa ulat, si Abdullah umano ang nangunguna sa operasyon ng terrorist group na al-Shabaab.
Na-deport si Abdullah mula sa Pilipinas noong 2202 matapos na maaresto ng mga tauhan ng BI intelligence officers and Anti-Terrorist Group.
Matapos na maaresto ay na detain ito sa kustodiya ng Philippine National Police dahil sa paglabag sa firearms and explosives law .
Natukoy rin noon na nauugnay ang suspect sa isang terrorist organization kayat itinuring itong high risk individual.
Tiniyak naman ng BI ang patuloy nilang commitment sa paghuli at pagharang sa mga undesirable Alien sa bansa.