-- Advertisements --
Inaayos na ng Bureau of Immigrations ang mga papeles para makauwi na sa kani-kanilang bansa ang 105 na mga dayuhan na naaresto dahil sa kawalan ng mga dokumento.
Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente, na agad nilang pababalikin sa kanilang mga bansa ang mga naarestong dayuhan kapag naaayos na lahat ang kanilang mga papeles.
Naaresto ang mga ito sa isang Business Process Outsourcing (BPO) company sa Biñan, Laguna.
Binubuo ito ng 97 Chinese, apat na Indonesians, tatlong Malaysians, isang Vietnamese at isang Laotian.