-- Advertisements --

Iniimbestigahan na ngayon ng Bureau of Immigrations ang ulat na mayroong scam hubs sa Myanmar na tinatarget ang mga Pinoy na nasa Estados Unidos.

Ayo kay BI Commissioner Joel Anthony M. Viado, ito ay natuklasan matapos ang matagumpay na repatraition ng 206 Pinoy mula sa naturang bansa.

Ilan sa mga ito ang nagkwento sa mga otoridad hinggil sa operasyon ng naturang scam hubs.

Dahil dito ay muling nagpaalala ang opisyal sa mga Overseas Filipinos na nasa ibang bansa na huwag magpapaloko sa ganitong mga modus.

Patuloy naman ang mga ginagawang hakbang ng Inter-Agency Council Against Trafficking upang mapanagot sa batas ang mga indibidwal o grupo na sangkot sa pambibiktima ng mga Filipino.

Inaresto naman ng mga otoridad ang isang alyas ‘Jon Jon’ na kabilang sa 206 Filipino repatriates dahil itinuturo ito bilang isa sa mga illegal recruiters.