-- Advertisements --
Aabot sa mahigit 100,000 foreign Philippine Offshore Gaming Operators workers ang hindi pa rin naibabalik sa kani-kanilang mga bansa.
Ito ay batay sa datos na inilabas ng Bureau of Immigration .
Sa isinagawang pagdinig para sa proposed 2025 budget ng Department of Justice , ibinahagi ni Senador Grace Poe ang naturang datos.
Ang Bureau of Immigration ay attached agency ng Justice Department.
Sa kabuuan, pumapalo pa lamang sa 1,379 ang matagumpay na naipadeport ng ahensya at 1,172 ang isinailalim sa repatriation process.
Ang nasabing bilang ng mga POGO employes ay sumailalim sa masusing imbestigasyon ng BI.