Ipina-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Indian fugitive na wanted para sa mga high-profile crimes kabilang ang pagpupuslit ng droga at baril, money laundering at terorismo.
Ayon sa pahayag na inilabas ng BI, pinaalis sa bansa noong Pebrero 1 si Joginder Gyong, na kilala rin bilang Gupta Kant.
Dagdag pa, inaresto siya ng mga law enforcers ng India pagdating sa airport.
Ayon pa sa ahensya, si Gyong ay isang subject ng isang interpol red notice at wanted para sa “hindi bababa sa 26 na serious criminal cases sa maraming estado sa India” na kinabibilangan ng “murder, attempted murder, extortion at kidnapping for ransom.”
Nagtungo si Gyong sa Pilipinas dala ang isang pekeng Nepalese passport sa ilalim ng pangalang Kant Gupta.
Bukod kay Gyong, pinatalsik din ng BI ang 26 na dayuhan – 23 Chinese at tatlong Malaysian – na kabilang sa 450 katao na inaresto noong Enero 2025 dahil sa iba’t ibang paglabag sa immigration.