-- Advertisements --
Ipina-deport ng Bureau of Immigration (BI) nitong Sabado ang tatlong Chinese nationals na inaresto nitong unang bahagi ng buwan kaugnay ng kampanya laban sa mga ilegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Ayon sa BI, Pinauwi sa Xiamen sina Lyu Xun, 23; Kong Xiangrui, 26; at Wang Shangle, 25.
Ang mga dayuhang ito ay kabilang sa 450 illegal POGO workers na nahuli sa malawakang operasyon sa Parañaque City noong Enero 8.
Ayon kay BI Commissioner Joel Viado, ang fast-tracking deportation ay alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na protektahan ang interes ng bansa sa pamamagitan ng pagbabawal sa mga POGO.