Ipinagbawal na ng Bureau of Immigration (BI) ang layovers para sa mga puganteng may kinalaman at sangkot sa mga operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) sa loob ng bansa.
Ito ay batay na rin sa BI Board of Commissioners Resolution no. 2025-002 na ipinatupad noong Marso 21 na siyang nagsasaad na ang mga banyaga na deportees na may kinalaman o nahuli sa mga raid operations ng isinagawa ng mga otoridad ay ilalagay na lamang sa mga direct flights pabalik ng kani-kanilang mga bansamaliban na lamang sa mga banyagang nangangailangan ng ilang ruta mula a Pilipinas.
Ayon kay Immigration Commissioner Joel Viado, layon nito na maiwasan ang mga loophole sa mga POGO deportees na maaari pang makatakas kung sasailalim pa sa mga layovers ang mga flight nito.
Dagdag pa niya, isa ito sa mga hakbang ng kanilang ahensya para mas mapalakas ang deportation procedures sa mga indibidwal na ito.
Aniya, sa pamamagitan nito ay maiiwasan na mapalawig pa ng mga foreign nationals na ito ang kanilang mga POGO operations sa iba pang mga Asian countries.
Samantala, ang inisyatibong ito ay suportado naman ng senado bilang ito rin ang nakikitang solusyon para maiwasan na ang pagklat ng mga POGO hubs sa bansa at para na rin hindi madaling mamamanipula ng mga high-profile criminals ang mga bagong deportation protocols.