Isinailalim na ng Bureau of Immigration sa kanilang Immigration Lookout Bulletin Order ang pitong opisyal ng Office of the Vice President.
Ito ay matapos na hilingin ni ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang pagsasailalim nito sa Lookout Bulletin dahil sa pagtanggi ng mga ito na dumalo sa imbetasyon ng komite sa kanilang isinagawang pagdinig.
Kinumpirma naman ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang pagpapatupad ng naturang kautusan mula sa DOJ.
Ayon kay Viado, natanggap nila ang utos mula sa Justice Department na nakakasakop sa kanilang kawanihan noong Nobyembre 6 ng taong ito.
Dahil dito ay kagaad nilang ibinilang ang mga pangalan na nabanggit sa kanilang centralized database.
Nilinaw naman ng opisyal na hindi maaaring bawalan ng kautusan ang mga indibidwal na bumyahe sa halip ay imomonitor lamang ang kanilang mga byahe o galaw.
Ipapaalam naman ng BI sa DOJ at Kongreso ang magiging galaw o byahe ng mga ito.