Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na dumating sa Hong Kong si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte matapos umalis ng Pilipinas noong Biyernes ng umaga sakay ng Cathay Pacific flight CX912 mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.
Ayon sa isang opisyal ng BI na humiling na huwag pangalanan, pinayagan si Duterte na lumabas ng bansa dahil aniya dadalo ito ng thanksgiving event sa Hong Kong, kahit na patuloy ang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) hinggil sa kanyang kontrobersyal na anti-drug campaign.
Batay sa mga record ng immigration, kasama ni Dating Pres. Duterte na pumunta ng Hong Kong ang asawa nitong si dating First Lady Honeylet Avanceña, at kanilang anak na si Victoria “Kitty” Duterte.
Kasama rin sa biyahe sina dating executive secretary Salvador Medialdea, dating Philippine National Police (PNP) intelligence director Nelson Quinsay at ang kanyang asawa, dating PNP official Filmore Escobal at ang kanyang asawa, at dating National Intelligence Coordinating Agency (NICA) director-general Alex Paul Monteagudo.
Samantala nilinaw ng BI na dumaan si Duterte at ang kanyang mga kasamahan sa normal immigration departure clearance at nasuri bago sumakay ng eroplano.
Sa iband banda sinabi naman nina retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio at dating senador Antonio Trillanes IV na maaaring ginagawa lamang ito ni dating President Duterte upang aniya iwasan ang posibleng pag-aresto ng ICC sa kaniya.