-- Advertisements --
NAIA ofw passengers 1

Kinumpirma ng Bureau of Immigration na mayroong isang opisyal ang umano’y nangingikil ng pera sa mga overseas Filipino workers kapalit ng escort service upang makasampa sa flight papuntang France.

Ipinakita ni JC Manganti isang seafarer ang naging pag uusap nila ng BI employee sa text message kung saan ito ay nag aalok ng P150,000 kapalit ng escort service.

Pangatlong beses na umanong hindi pinapayagang makasakay sa eroplano si Manganti sa NAIA.

Na-verify ang kausap ng Manganti ay siya ay tinukoy bilang isang empleyado ng ahensya.

Sa ngayon ay magsasampa ng complaint si Manganti laban sa BI employee.

“Para mawala na din iyan kasi hindi lang naman po isa ang nadadamay, halos lahat ng immigration, nasisira po sa isa eh,” sinabi ni Manganti.

Kaugnay nito, bilang paghahanda na rin sa darating na Semana Santa, magpapatupad ng striktong monitoring ang BI para sa mga biyahero upang maiwasan ang extortion maging ang human trafficking.

“Ngayon magho-Holy Week next week, mag-oopisina ako sa airport. ‘Pag na-observe n’yong antagal na ng tao, iyong pasahero sa harap, call n’yo iyong attention ng I.O., ‘Oh ano ‘yan, ba’t matagal diyan?’” sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco.