Tiniyak ng pamunuan ng Bureau of Immigrations na lalo pa nilang papaigtingin ang seguridad sa mga boarders ng bansa.
Layon ng hakbang na ito na mapigilan ang paglabas ng mga Pilipino gamit ang mga ilegal backdoor.
Ginawa ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Joel Anthony Viado ang pahayag matapos ang naging pagkakabunyag ng 54 sa mga Pilipinong biktima ng human trafficking ay umano’y lumabas sa ilegal na pamamaraan.
Maaari aniyang ginagamit ng mga sindikato ng human trafficking ang mga maliit na bangka upang hindi ma detect.
Ang gagawing hakbang ng ahensya ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na labanan ang human trafficking sa pamamagitan ng pagbabantay sa mga illegal na exit points sa Pilipinas.
Hinimok rin ng Inter-Agency Council Against Trafficking ang mga lokal na pamahalaan na makilahok sa mga ginagawang hakbang ng gobyerno para bantayan ang mga boarder ng bansa.