-- Advertisements --
Bureau of Immigration

Patuloy ang mas mahigpit na pakikipagtulungan ngayon ng Bureau of Immigration sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan upang tugisin ang mga puganteng dayuhan sa Pilipinas.

Sa isang pahayag ay sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na layunin nito na matiyak na hindi magagamit ng mga dayuhang pugante ang ating bansa upang takasan ang kanilang mga pananagutan sa mga krimeng kanilang kinasasangkutan.

Ipinahayag ito ng opisyal matapos ang kamakailan lang na sunud-sunod na pagkakaaresto sa ilang mga alien o foreign nationals sa ating bansa na kalauna’y napag-alamang may mga kinasasangkutan na mga krimen sa kanilang mga bansa.

Kabilang na rito ang kamakailan lang na pagkakaaresto sa Amerikasong si Jonathan Michael James sa Brgy. Krus na Ligas sa Diliman, Quezon City na may kinakaharap na five counts ng Second Degree of Sexual Exploitation of a Minor sa Estados Unidos.