-- Advertisements --

Naaresto at naharang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang dayuhang wanted sa kasong swindling.

Ayon kay Bureau of Immigration Commissioner Joel Anthony Viado, kinilala ang dayuhan bilang si Oscar Ogie Mbang, 52 taong gulang at dumating sa bansa si Ogie noong Enero 27 lulan ng isang flight mula sa Singapore.

Hinuli si Ogie matapos lumabas sa automated derogatory check na sikya ay nasa blacklist simula pa noong 2019 dahil sa isang deportation complaint.

Maliban dito ay mayroon din siyang hold departure order mula sa Paranaque Regional Trial Court noong 2020 dahil naman sa kasong swindling na inihain ng pinagkakautangan nito.

Samantala, ayon kay BI Border Control and Intelligence Unit Acting Chief Ferdinand Tendenilla, kasalukuyang nasa kustodiya ng BI dertention facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig habang naghihintay ng desisyon ng korte tungkol sa kaniyang mga kinakaharap na kaso.

Agad naman ding papatawan ng sentensiya ang dayuhan kapag napatunayan na may nagawang mga mali ang lalaki ito at tsaka tuluyang ipapadeport.