Matapos pigilan ng Bureau of Immigration ang ilang magkakapagtrabaho sana sa ibang bansa gamit ang bogus overseas employment certificates, nagbabala ang BI sa mga pekeng OEC na ito na ibinebenta online.
Aypn kay BI Commissioner Norman Tansingco, ang kanilang system ay kasama sa database ng Department of Migrant Workers’ kaya napakadali aniya para sa kanila na ma-verify ang mga lehitimong OEC.
Inilabas ng Immigration Bureau ang babala matapos maharang ng kanilang Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) nitong Martes ang tatlong biktima na nagtangkang umalis patungong Warsaw, Poland sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.
Ang mga biktima, isang babae at dalawang lalaki, na pawang nasa 30 anyos, ay nagsabi na sila ay na-recruit online, na nakikipag-usap sa kanilang recruiter sa pamamagitan ng isang messaging app.