-- Advertisements --

Nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) sa publiko lalo na sa mga young professionals sa ginagawang massive rescruitment ng ilang mga sindikato na naghihikayat na mag trabaho sa abroad bilang mga customer service pero pagdating sa ibang bansa biktima sila ng scam hubs.

Ayon kay BI Spokesperson Dana Sandoval ang mga narecruit na mga Filipino ay magta trabaho sa mga Pogo like operations sa ibang bansa. 

Iniulat ni Sandoval na nasa 118 na mga Filipinos na ang kanilang naharang sa ibat ibang paliparan sa bansa na nirecruit para magtrabaho sa abroad.

Aminado si Sandoval na sa kabila ng mga balita na may kaugnayan sa POGO may mga kababayan pa rin tayo ang nahihikayat na magtrabaho dahil sa maganda ang offer.

Kaya kapag may nag rerecruit na trabaho para sa ibang bansa gaya ng Cambodia, Laos, Thailand at Burma magsisilbi na sana itong red flag para sa mga kababayan natin.

Kinumpirma naman ng BI at PAOCC na maging ang mga BPO companies at call ceters ay pinasok na rin ng mga recruiters.

Kaya payo ng BI at PAOCC sa mga kababayan natin na mag ingat at huwag magpa engganyo sa mga alok.

Siniguro naman ng gobyerno na lalo pa nilang palalakasin ang pagtugis sa mga recruiters na ito ng sa gayon mapanagot ang mga ito sa batas.

Sa katunayan may nahuli na ang mga otoridad at sinampahan na ng kaso.