-- Advertisements --
Mahigpit na binilinan ng Bureau of Immigration (BI) ang mga airline companies na huwag pasakayin ang mga dayuhan na magtutungo sa Pilipinas kapag kulang ang kanilang dokumento.
Pinapayagan na kasing makapasok sa bansa ang mga dayuhan na fully-vaccinated laban sa COVID-19 pero dapat ay mayroon silang dalang mga dokumento gaya ng vaccination certificate, passport na valid ng hanggang anim na buwan at negative RT-PCR test result.
Agad daw nilang pababalikin sa mga bansang pinagmulan ang mga dayuhan na mayroong kulang na dokumento.
Binalaan din ng BI ang mga airline companies na papatawan sila ng multa sakaling may dayuhan silang papayagan na makapasok sa bansa na hindi kumpleto ang mga dokumento.