Nagbabala ang Bureau of Immigration sa mga foreign students sa ating bansa hinggil sa posibilidad na maharap ang mga ito sa Intel investigation sa oras na maaktuhan ang mga ito na gumagawa ng mga kahina-hinalang at mga ilegal na aktibidad.
Ito ang naging paalala ng naturang kawanihan sa gitna ng tumataas na alalahanin ng publiko at ilang mga opisyal sa pagdami ng presensya ng mga Chinese students sa Cagayan na isa sa mga lokasyon ng base militar na Amerika sa Pilipinas.
Kaugnay nito ay una na ring inihayag ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na ang Executive Order No. 285 na inilabas noong taong 2000 na bumuo naman ng interagency committee on foreign students Sa pangunguna ng Commission on Higher Education.
Bukod dito ay bahagi rin ang Bi ng isang komite na kinabibilangan din n National Bureau of Investigation, National Intelligence Coordinating Agency, Department of Foreign Affairs, at Department of Education.
Sa ilalim ng naturang kautusan ay pinahihintulutan ang National Intelligence Coordinating Agency at National Bureau of Investigation na bantayan ang anumang kahina-hinalang aktibidad ng mga foreign students alinsunod na rin sa pagpapanatili at pagtiyak sa seguridad ng naturang estado.
Habang sa panig naman BI ay sila naman ito na mag-isyu ng student visa Para lamang sa mga Foreign nationals na inendorso ng mga lehitimong mga paaralan at maging ng CHED.