-- Advertisements --
Mahigpit ng nakikipag-ugnayan ang Bureau of Immigration (BI) sa Southeast Asian Games organizing committee para mabantayan ang mga dayuhang atleta na sasabak sa torneyo sa bansa.
Inaasahan kasi na dadagsa ang mga dayuhan na magtutungo dahil sa SEA Games.
Ayon kay BI Port Operations chief Grifton Medina, inaasahan ang pagdating ng mahigit sa mga 20,000 atleta, officials at guests ilang linggo bago ang 30th SEA Games na magsisimula sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.
Hindi rin nila inaalis na posibleng samantalahin ng mga terorista ang torneyo kaya hinigpitan nila ang pagbabantay sa mga paparating na mga dayuhan.