-- Advertisements --

Naka-heightened alert na ang mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa lahat ng mga international airports at seaports sa bansa bilang paghahanda sa pagbuhos ng mga mananakay ngayong Lenten break.

Kasabay nito, nagtalaga na rin si BI Commissioner Jaime Morente ng mahigit 50 immigration officers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bilang augmentation sa mga personnel na nagmamando sa mga immigration booths sa arrival at departure areas.

Ang karagdagang puwersa ay para siguruhing matugunan ang pangangailangan ng mga pasahero.

Ipinag-utos na rin daw niya sa Port Operations Division (POD) na mas higpitan pa ang measures sa screening sa lahat ng mga aalis at dadating na mga pasahero.

Sinabi naman ni POD Chief Grifton Medina na kanselado na ang leave ng lahat ng BI personnel mula kahapon hanggang sa Abril 22.