-- Advertisements --

Naglunsad ang Bureau of Immigration (BI) ng manhunt operation laban sa isang Jordanian national na nakatakas sa kanyang mga escort matapos ang pagdinig sa korte.

Sinabi nitong nakatakas si Tarek Nihad Siam, nang dumalo siya sa isang pagdinig sa Makati Regional Trial Court Branch 237 kaugnay ng kanyang kaso sa paglabag sa comprehensive law on firearms and ammunition.

Lumabas sa imbestigasyon na hiniling ni Siam na gumamit ng banyo pagkatapos ng pagdinig sa korte.

Nang mapansin ng isa sa kanyang mga escort na siya ay masyadong nagtatagal, nagpasya siyang suriin ang loob, ngunit si Siam ay wala na sa nasabing palikuran.

Sinabi rin nito na ang kanyang dalawang escort, na inilarawan bilang “job order personnel,” ay tinanggal sa kanilang mga puwesto.

Ang dalawa, kasama ang kanilang team leader na isang organic na empleyado, ay mahaharap sa kasong kriminal para sa infedility of custody ng nasabing inmate.

Bukod sa illegal gun posession sa Pilipinas, nalaman ng BI na si Siam ay wanted sa Abu Dhabi dahil sa pananakit at alcohol abuse.

Dahil dito, hiniling ng BI sa publiko na iulat ang anumang impormasyon sa kinaroroonan ng Siam sa pamamagitan ng helpline ng kawanihan.