Kinumpirma ng pamunuan ng Bureau of Immigration na nagdeploy sila ng karagdagang mga tauhan sa Ninoy Aquino International Airport.
Ito ang inihayag ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado sa mga kawani ng Media kahapon.
Ayon kay Viado,nilalayon nito na mapanatili ang mataas na antas ng serbisyo at masiguro ang safety ng mga mananakay ngayong panahon ng Undas.
Paliwanag ng opisyal na mas maraming pasahero ang inaasahan nila ngayon kumpara noong nakalipas na taon.
Batay sa datos , ipinakalat ng ahensya ang abot sa 58 bagong graduate na immigration officers.
Bukod dito ay nag deploy rin sila ng mga tauhan mula sa kanilang main office.
Ang mga ito ay may mandatong tumulong para maging maayos ang operasyon ng mga paliparan partikular na sa NAIA.
Nagpatupad rin ang ahensya ng ‘no leave policy’ para masiguro na hindi magkukulang ang kanilang mga tauhan.