-- Advertisements --
Pinayuhan ng Bureau of Immigrations ang mga biyahero na ugaliing maglaan ng oras para hindi sila mahuli sa kanilang biyahe.
Sinabi ni BI spokesperson Dana Sandoval na mahalaga na maglaan ng hanggang 3 oras bago ang kanilang flights.
Hindi kasi nito ikinaila na maraming mga napag-iiwanan ng eroplano dahil sa hindi paglaan ng sapat na oras.
Kanila namang natutulungan ang mga pasahero na nagkakaroon ng problema sa kanilang mga flights.