-- Advertisements --

Nagpatupad ng balasahan sa kanilang mga empleyado ang Bureau of Immigration (BI).

Sinabi ni Atty. Carlos Capulong ang acting ports operations chief ng BI na ang nasabing hakbang ay para mailayo sa kurapsyon kanilang mga empleyado.

Ito na rin aniya ang huling balasahan na kanilang gagawin ngayong taon dahil marami pang mga magaganap na balasahan sa susunod na taon.

Aabot sa 341 na personnel ang kasama sa balasahan at hindi naman kasama ang 99 na mga newly-hired immigration inspectors.

Bukod sa mga BI personnel na nagtatrabaho sa immigration counters ng NAIA ay isusunod na balasahin ang mga terminal assignments ng 77 immigration supervisors.