Nagsasagawa na ang Bureau of Immigration ng backtracking para matunton ang rutang posibleng ginamit ni Alice Guo sa kanyang pagtakas papuntang Malaysia.
Ayon sa BI, ang naturang imbestigasyon ay mahalaga upang matunton ang sistema o taktikang ginamit ng kampo ng alkalde sa kanyang pagtakas.
Una nang sinabi ng BI na posibleng dumaan ang dating alkalde sa Sabah, Malaysia, sa pamamagitan ng iligal na paraan; hindi rin gumamit ang mga ito ng airport o seaport.
Una ring natunton ang dokumento na nagpapatunay na pumasok ang grupo ng alkalde sa Sabah ngunit walang dokumentong nagpapakita kung saan ito lumabas.
Sa pamamagitan ng backtracking, tiwala ang BI na matutunton ang mga posibleng tumulong sa suspendidong alkalde para iligal na makalabas ng bansa at matukoy ang paraan ng pagtakas nito.