-- Advertisements --
image 592

Nagtalaga ng kabuuang bilang na 155 karagdagang mga opisyal ang Bureau of Immigration sa mga airport sa bansa.

Ito’y upang paghandaan ang inaasahang pagdagsa ng mga biyahero sa darating na panahon ng Semana Santa.

Ang mga opisyal ay itinalaga sa iba’t ibang opisina at pansamantalang inilagay sa Clark International Airport at Terminals 1, 2, at 3 ng Ninoy Aquino International Airport.

Inaasahan kasi ng Bureau of Immigration na may 40,000 na mga pasahero ang darating at aalis ng bansa araw-araw, simula sa susunod na linggo.

Pinoproseso din ng kawanihan ang pagkuha ng higit sa 140 karagdagang immigration officers na ide-deploy sa loob ng taon.

Nangako ang mga awtoridad sa paliparan na palalawakin ang immigration area, partikular sa NAIA Terminal 3, upang mabawasan ang pagsisikip dito dahil sa pagdagsa ng mga pasahero.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, sa ngayon maliit lang ang lugar ngunit kapag pinalawak na, madadagdagan pa daw ang mga counter at mas marami pang immigration officers ang magseserbisyo sa mga papaalis na pasahero.