-- Advertisements --

Matagumpay na naharang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang anim na umano’y biktima ng Human Trafficking sa tulong na rin ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Sa isang pahayag ay sinabi ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Joel Anthony Viado, ang mga biktima ay natuntun mula sa Bancalaan Island, Balabac, Palawan.

Nakatanggap ang mga tauhan ng BI ng impormasyon hinggil sa tangkang ilegal na paglabas ng mga ito sa bansa mula sa naturang lugar.

Dahil dito ay kaagad na nakipag ugnayan ang BI sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa pagsasagawa ng rescue operation.

Kasama sa pagpaplano at pagsasagawa ng operasyon ang iba pang ahensya katulad ng PNP Aviation Security Unit, NBI, at lokal na pulisya.

Batay sa nakalap na impormasyon, ang mga biktima ay na recruit lamang sa isang message application at inalok ng trabaho sa bansang Thailand.