-- Advertisements --

Matagumpay na naharang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang tatlong foreign national sex offenders matapos nitong subukan na pumasok ng Pilipinas.

Sa isang pahayag, kinumpirma ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na hindi nakalusot ang tatlong foreigner sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.

Ito aniya ay nagpanggap na mga turista para makapasok ng bansa.

Kinilala ang mga sex offenders na sina Jeffrey William Jewitt, Charles David James Weatherall at Momodu Wurie Jalloh.

Si Jewitt ay convicted sex offender sa Illinois noong 2012 habang si Weatherall ay convicted ng child pornography sa United Kingdom at si Jalloh na convicted sa Virginia ng aggravated sexual assault.

Ibinilang na rin ng BI ang mga nasabing indibidwal sa blacklist ng ahensya.