Nakapagproseso ng mahigit 167,000 ang Bureau of Immigration para sa Undas, simula katapusan ng Oktubre hanggang Biyernes, Nobyembre 1.
Tumaas ng 12% ang mga international travels kumpara noong nakaraang taon, kung saan pumalo naman sa 149,257 ang mga pasahero.
Ngayong taon ay nakapagtala ng 41,087 na mga arrivals at 43,341 na mga pasahero sa departures sa buong bansa ang naserbisyuhan ng mga paliparan noong Oktubre 31.
Sa Ninoy Aquino International Airport terminal 1 ay nakapagtala ng 14,010 na arrivals at 15,666 na departures habang sa Terminal 3 naman ay mayroong kabuuang bilang ng 19,223 na mga arrivals at 20,495 naman na pasahero sa departures.
Bumaba naman ng bilang ng mga pasahero pagsapit ng Nobyembre 1 kung saan umpisa na ng mga pagbisita ng mga tao sa mga sementeryo.
Umabot naman ng 42,858 ang mga arrivals habang 40,261 na departures ang naitala para sa international flights.
Para sa domestic flights, sa NAIA Terminal 1 naman nakapagtala ng bilang na 14,931 na mga arrivals at 13,381 na mga departures, habang sa Terminal 3 naman umabot sa 19,136 ang bilang ng mga arrivals habang 19,431 naman ang sa departures.