-- Advertisements --
NAIA STRANDED PASSENGERS

Mahigit 6 na milyong pasahero ang dumating sa Pilipinas sa 2022.

Ayon kay Bureau of Immigration (BI) spokesperson Dana Sandoval may kabuuang 6,125,841 na mga pasahero ang dumating sa bansa kung saan 3 milyon sa mga ito ay bumalik na mga Pilipino.

Aniya, hindi pa nalalampasan ang bilang ng pre-pandemic passengers.

Ngunit nilinaw nito na tumaas ang bilang ng mga bumiyahe para sa taong 2022 kumpara sa nakaraang dalawang taon.

Sinabi niya na karamihan sa mga dumating noong 2022 ay mula sa United States, Australia, Canada, at Japan.

Samantala, sinabi niya na nakapagtala ang BI ng kabuuang 6,132,330 departure.

Nasa 34,000 hanggang 36,000 na mga pasahero naman ang umaalis araw-araw habang 30,000 na mga pasahero ang dumarating araw-araw.