Inanunsyo ng Bureau of Immigration (BI) ang kanilang partisipasyon sa Katarungan Caravan ng Department of Justice (DOJ) kahapon Hulyo 4 2024, na ginanap sa Dasmariñas Arena sa Dasmariñas, Cavite.
Ang Katarungan Caravan ay isang mahalagang bahagi ng pagsisikap ng DOJ na ilapit ang mahahalagang serbisyo ng gobyerno sa publiko.
Makikita sa kaganapang ito ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno, kabilang ang BI, na nagtutulungan upang direktang magbigay ng malawak na hanay ng mga serbisyo sa komunidad.
Binigyang-diin ni BI Commissioner Norman Tansingco ang kahalagahan ng pakikilahok ng ahensya sa naturang caravan.
Aniya, ang kanilang paglahok sa naturang programa ay pagpapakita lamang ng kanilang commitment sa pagbibigay ng serbisyo publiko at suporta sa mga programa ng DOJ.
Kasabay ng isinagawang Katarungan Caravan ng Department of Justice kahapon, ang BI ay mag-aalok ng iba’t ibang mga serbisyo, kabilang ang tourist visa extension, aplikasyon para sa dual citizenship, exit clearances, at iba pang pangunahing serbisyo sa imigrasyon.