Kinumpirma ng Bureau of Immigration na nakipag-ugnayan na sila sa Department of Justice matapos ang mga insidente ng mga nakakatakas na POGO workers matapos na madeport .
Katuwang ang Justice Department, sinimulan na nito ang pakikipag cooperate sa mga airlines at foreign embassies para matiyak ang maayos na pagpapatupad ng BI Board of Commissioners Resolution No. 2025-002.
Nananawagan rin si Bureau of Immigration Commissioner Joel Viado sa mga mambabatas na i-explore ang legislative support para gawing institutionalize ang naturang polisiya.
Giit ni Viado na hindi papayagan ng kanilang ahensya ang mga kriminal na samantalahin ang sistema ng kanilang ahensya.
Una rito ay iniulat ng ahensya ang pagkakaaresto sa limang Chinese POGO workers matapos itong nagtangkang tumakas matapos na madeport.
Dahil dito ay ipinagbawal na ng ahensya ang paggamit ng deportation flights na mayroong layovers para sa mga POGO workers.
Ito ay alinsunod sa BI Board of Commissioners Resolution No. 2025-002.
Sa ilalim ng bagong kautusan na ito, lahat ng mga deported foreign nationals na nauugnay sa POGO ay maaari lamang magkaroon ng direct flights pauwi ng kanilang bansa.
Kung maaalala, inulat ng Presidential Anti-Organized Crime Commission noong Pebrero na mayroong ilang Chinese POGO workers na nadeport matapos na maaresto sa bansa ang nakakatakas dahil sa layovers bago lumapag ang eroplano sa China.
Ngayong buwan lamang ay ipinanawagan ni Senators Risa Hontiveros at Win Gatchalian sa pagdinig sa senado na kailangan itong gawan ng agarang aksyon.