Nanawagan ang Bureau of Immigration (BI) sa mababang kapulungan ng kongreso na tugunan ang lumalalang isyu ng βsue meβ scheme na ginagamit umano ng mga dayuhang pugante upang maantala ang kanilang deportasyon.
Ayon sa BI, maraming dayuhang pugante na nahuli ang hindi agad nade-deport dahil sa mga kasong kriminal na nakabinbin pa sa mga tanggapan ng piskalya o sa mga korte.
Sa ilang pagkakataon, natuklasan na ang mga kasong kriminal na isinampa laban sa mga puganteng ito ay na-areglo nila.
Binanggit ni BI Commissioner Joel Anthony Viado nitong Martes, Marso 18, ang pangangailangan ng Kongreso na gumawa ng mga batas upang maiwasan ang ganitong mga taktika ng pagkaantala.
Ang pahayag ni Viado ay kasunod ng muling pagkakaaresto ni Na Ikhyeon, noong Marso 9, na maalalang tumakas noong Marso 4.
Wanted sa South Korea ang naturang puganteng SoKor national dahil sa mga investment fraud. Subalit, siya ay nahaharap din sa kasong estafa sa Quezon City Prosecutorβs Office, na nagdulot naman ng pagkakaantala ng kaniyang deportasyon.