-- Advertisements --

Tiniyak ng Bureau of Immigration na kanilang sasampahan ng kaso ang mga tauhan nitong mapapatunayan na sangkot o tumulong sa pagtakas ni dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo sa bansa.

Ginawa ng ahensya ang pahayag kasabay ng isinagawang senate committee hearing ngayong araw hinggil sa umanoy ilegal na aktibidad ng Philippine Offshore Gaming Operators sa Pilipinas.

Ayon kay BI Intelligence Division chief Fortunato Manahan Jr., hindi nito makukumpirma kung may miyembro ng kanilang mga tauhan ang sangkot sa naturang insidente bagamat hindi nito inaalis ang posibilidad.

Muling inungkat ni Senator Joel Villanueva ang naturang usapin dahil sa ilang alalahanin na maaaring may mga opisyal umano  ng gobyerno ang sponsored ng POGO.

Giit ni Villanueva, kung hindi matatapos ang kasamaan ng POGO, hindi lang mga alkalde ang kayang ma produced ng mga ilegal nitong gawain.