Tiniyak ng Bureau of Immigration na naka full alert ang lahat ng kanilang mga tauhan sa Ninoy Aquino International Airport at sa lahat ng ports of entry at exit sa buong bansa ngayong holiday season.
Ayon kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado, ito ay upang masiguro na magiging mapayapa at matiwasay ang biyahe ng mga pasahero sa mga paliparan at mga pantalan na hahabol na makauwi sa kani-kanilang mga probinsya.
Paliwanag ni Viado, handa na ang kanilang mga tauhan sa inaasahang buhos ng mga pasahero.
Nagpatupad na rin ang kanilang ahensya ng ‘No Leave Policy’ sa lahat ng kanilang mga frontline personnel mula noong December 15 at magtatapos hanggang January 15.
Naka deploy na rin ang kanilang mga tauhan sa NAIA, paliparan sa Clark, Mactan, Davao at Kalibo at sa Zamboanga international seaport.