-- Advertisements --

Nagdeploy ang Bureau of Immigration (BI) ng full force o buong pwersa ng kanilang mga personnel sa lahat ng entry at exit points sa buong Pilipinas ngayong Christmas season.

Sa isang statement, sinabi ni Immigration Commissioner Joel Viado, hindi papayagan na mag-leave ang kanilang frontline personnel mula Disyembre 15 hanggang Enero 15 para ma-maximize ang kanilang manpower sa kasagsagan ng peak season.

Gayundin ipapairal ang leave ban sa lahat ng BI personnel sa mga paliparan kabilang ang pangunahing gateway sa mga biyaherong papasok sa bansa na Ninoy Aquino International Airport (NAIA), maging sa Clark, Mactan-Cebu, Davao, at Zamboanga International Seaport.

Kaugnay ng inaasahang buhos ng mga pasahero, naglatag na aniya ng mobile counters para sa pagproseso sa mga ito.

Nauna na ngang sinabi ng BI na nasa 110,000 biyahero ang inaasahan ngayong holiday season.