-- Advertisements --

VIGAN CITY – Susunod umanong iimbestigahan ng Senado ang mga opisyal at empleyado ng Bureau of Immigration (BI) na nakikinabang sa “pastillas scheme” ng mga Chinese nationals na nagtatrabaho sa mga Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).

Ito ay pagkatapos mabunyag ang mga iligal na aktibidad na nagaganap dahil sa mga POGO operations kagaya ng human trafficking, prostitution, illegal recruitment at korapsiyon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Sen. Risa Hontiveros, chairman ng Senate committee on women, family relations and gender equality, iginiit nito ang masamang epekto sa mga kababaihan at pati na rin sa mga kabataan ang umano’y modus operandi ng BI na tinawag nitong “pastillas scheme” kung saan nagbabayad umano ang bawat Chinese nationals na nais magtrabaho rito sa bansa gamit ang kanilang tourist visa ng P10,000 kung saan ang P2,000 ay pinaghahatian umano ng mga airport immigration employees, samantalang ang natitirang P8,000 ay siyang iiimbestigahan nila kung saan napupunta.
Inaasahan ng senadora na aaksyunan din ng Department of Justice ang nasabing isyu .