-- Advertisements --

Pinag-iingat ngayon ng pamunuan ng Bureau of Immigration ang publiko hinggil sa naglipanang POGO-like scam hubs sa bansa.

Ayon sa ahensya, kadalasang tinatarget nito ay mga Pilipino.

Sa naging pahayag ni BI Commissioner Joel Anthony Viado, sinabi nito na nakakaalarma ang halos araw-araw nilang pagkakaharang sa mga Pilipino sa paliparan.

Ito ay matapos na kumagat sa pekeng job offer sa mga social media na nag-aalok ng magandang trabaho at mataas na buwanang sahod.

Batay sa datos, aabot sa 118 na mga Pinoy ang nahuling sangkot sa ganitong uri ng online scamming schemes sa bansa.

Kung maaalala, aabot sa 12 Pilipino ang naibalik ng bansa mula sa Myanmar matapos na maniwala sa kanilang mga illegal recruiters.

Lahat sila ay pinilit na magtrabaho bilang mga online scammers at nakaranas rin ng pagmamalupit sa mga ito.

Nakaranas rin sila ng mahabang oras na pagtatrabaho na walang ipinagkakaloob na sahod.

Kaugnay nito ay hinimok ng ahensya ang publiko na i-report kaagad sa Inter-Agency Council Against Trafficking ang mga makikitang kahina-hinalang recruitment activities sa kanilang lugar o sa social media.