-- Advertisements --

Pinaghahandaan na ng Bureau of Immigration ang pagbuhos ng inaasahang 110,000 biyahero ngayong holiday season.

Inaasahan kasi ng ahensiya ngayong taon ang mataas na bilang ng mga pasahero na darating at aalis ng bansa kumpara noong nakalipas na taon at inaasahang malalagpasan nito ang naitala noong pre-pandemic.

Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, ang weekend arrivals noong nakalipas na taon ay nasa average na mahigit 53,000 kada araw habang ang departure ay nasa 43,000.

Para naman matiyak ang maayos na operasyon sa mga paliparan, sinabi ni Comm. Viado na magpapatupad ang BI ng mga hakbang tulad ng pagpapanatili ng full deployment ng mga frontline officers sa kasagsagsan ng peak season.

Nagdagdag na din aniya sila ng mga personnel para mapanatili ang maayos na usad ng mga pasahero.