-- Advertisements --
Pinayagan ng Bureau of Immigration (BI) ang mga overstaying na mga dayuhan na paliwigin ang kanilang pananalagi sa bansa.
Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na ang nasabing kautusan ay mula sa Inter-Agency Task Force for emerging of infectiuos diseases na nag-aatas sa publiko ng social distancing at pagbabawas ng mga biyahe.
Sakop ng nasabing direktiba ang mga may hawak ng temporary visitor’s visas na umabot na sa 24-buwan maximum stay para sa visa-required national at ang 36-buwan period maximum stay para sa mga non-visa required nationals as of March 1, 2020.
Ang mga dayuhan ay sasailalim sa assessment at sila ay pagbabayaran ng immigration fees at penalties para sa nasabing kautusan.