-- Advertisements --

Pinag-aaralan ngayon ng Bureau of Immigration ang mga kasong maaaring isampa laban kay dating Presidential Spox Sec. Harry Roque.

Ito ay may kaugnayan sa ilegal na paraan ng paglabas nito ng bansa sa kabila ng warrant of arrest na inihain sa kanya ng Quad Committee ng Kamara. Una nang inamin ng dating opisyal na nakalabas na ito ng Pilipinas.

Ginawa ni Roque ang pahayag kasabay ng panunumpa nito sa Embahada ng Pilipinas sa UAE para naman sa counter affidavit na inihain sa DOJ na may kaugnayan pagkakasangkot umano nito sa ilegal na operasyon ng POGO sa bansa.

Sa isang pahayag, iginiit ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado na ang paglabas ni Roque sa bansa ay iligal dahil wala ang naging byahe nito sa tala ng kanilang ahensya.

Tinitingnan rin ng ahensya ang posibilidad na gumamit si Roque ng fake immigration clearance dahilan para makapasok ito sa UAE.

Kaugnay nito at maaaring maharap sa kasong Falsification of Public Documents ang dating opisyal.