Pinangunahan ng mga BI reservist mula sa 1st Intelligence Security Wing Reserve, Philippine Air Force ang tree-planting activity sa Doña Remedios Trinidad, Bulacan.
Nasa 1,000 endemic at namumungang puno ang itinanim, kabilang ang mga species tulad ng bignay, Palawan cherry blossom, at guyabano.
Ang inisyatiba ay ginanap sa Children of St. Joseph Home for the Aged and Orphans Bulacan, Inc., na naglalayong isulong ang biodiversity, pagandahin ang mga green spaces , at magbigay ng pangmatagalang ecological benefits sa komunidad.
Ang proyektong ito ay isinagawa sa pakikipagtulungan sa Bulacan Agricultural State College, 124th PAFARU – Philippine Eaglecom Society, 1st Air Force Reserve Center, Philippine Air Force – Civil Military Operations Group, JG Summit Holdings Inc., at LGU Doña Remedios Trinidad, Bulacan.
Pinuri naman ni BI Commissioner Norman G. Tansingco ang hakbang na ito ng kanilang mga tauhan upang matulungan ang kapaligiran at malabanan ang tumitinding global warming.