Inanunsyo ng Bureau of Immigration na plano nilang palitan ng kalahating porsyento ang kanilang mga manual counterer ng electronic gate.
Layunin umano nitong mapataas ang efficiency rates ng kanilang airport operations sa bansa.
Ginawa ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang pahayag matapos na hilingin nito na taas ang budget ng kanilang kawanihan para sa taong 2024.
Ayon sa kay Tansingco, ang programa ng kanilang IT ay nakahanay na upang mabawasan ang processing time na hindi naisasaalang-alang ang seguridad ng bansa.
Kabilang aniya ang procurement ng naturang mga e-gates sa inaprubahan nilang Information System strategic plan 2023-2024.
Ito ay kahalintulad rin ng mga e-gates mula sa mga advanced countries at ito ay maaaring makabawas sa processing time kada pasahero.
Sa kasalukuyan, aabot sa 21 e-gates ang na distributed na sa arrival area ng mga pangunahing international airport sa buong bansa.