-- Advertisements --

Tinanggal na ng Bureau of Immigrations ang mga inilagay nilang signages na nagbabawal sa pagkuha ng mga larawan at videos.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, hindi na bago ang nasabing signages dahil noon pa man ay mayroong mga signages na inilagay sa mga paliparan.

Reaksyon ito ni Tansingco sa negatibong komento ng paglagay sa mga signages kung saan inilagay umano ito matapos ang magkakasunod na pagkakaaresto sa ilang kawani ng Immigration dahil sa pagnanakaw sa mga dayuhan.

Aayusin umano nila muna ito para hindi magmukhang negatibo sa mga dayuhan subalit kanilang ipapatupad pa rin ang polisiya ng pagbabawal sa pagkuha ng mga larawan at video sa loob ng immigration office.