-- Advertisements --
Hinahabol ng Bureau of Immigration (BI) ang modernisasyon ng mga operasyon sa paliparan upang masugpo ang katiwalian ayon yan kay Immigration Commissioner Norman Tansingco.
Ani Tansingco, mababawasan ng naturang modernisasyon ang person-to-person contact pati na rin ang discretion ng Immigration officer.
Pati na rin daw ang posibilidad na makagawa ng graft o anumang uri ng pang-aabuso
Dagdag pa ni Tansingo, ang pinakalayunin ng ahensya ay makahabol sa mga teknolohiyang ginagamit ng ibang mga bansa.