-- Advertisements --

Walang record ang Bureau of Immigration (BI) na nakalabas na ng bansa si
Ozamiz City councilor Ricardo “Ardot” Parojinog, kapatid ng napatay na si Mayor Reynaldo Parojinog Sr.

Ayon kay Immigration spokesperson Antonette Mangrobang na batay sa kanilang record na November 4,2015 ang last arrival ng nag ngangalang Ricardo Parojinog sa bansa mula sa Beijing.

Dagdag pa ni Mangrobang na wala din record ang BI na umalis ito ng bansa.

Nuong Biyernes, inanunsiyo ni Pangulongt Rodrigo Duterte na naglaan siya ng P5-million reward para sa pag aresto ni Parojinog, na nananatiling at large sa ngayon.

Sa kabilang dako, target ngayon ng Ozamiz PNP na maaresto si Parojinog.